[ BLOG HEADLINES ]


Collection Of Paborit Lines

Posted by iisaw =) | Thursday, February 25, 2010

Koleksyon Ng Mga Piling Linya Tungkol Sa Kwela, Pag-ibig, Pag-aaral, Buhay.






ED AQUINO:




**Ang mabigat ay gumagaan, kapag binitawan. 


**Ang PINAKAMASARAP? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman. Yung walang singsing pero kuntento. Yung hindi kayo pero mahal ang isa't-isa. Yung walang sumpaan pero walang iwanan... at yung walang titulo pero alam mong iyo. 


...........




There is but one truly serious philosophical problem, and that is suicide. Judging whether life is or is not worth living amounts to answering the fundamental question of philosophy. - Albert Camus


Kung Nangangati Ka, Huwag Mong Gamiting Pangkamot Ang Boyfriend Ng Iba. - Fan Page


Magpayong Ka! Uulanin Ka Ng Mura. - Classic Filipino Movie ( Di ko alam title =,= )


Ang mga kaibigan ko ay parang LATA, maingay... pero at least hindi PLASTIK. - Edward Aquino




MORE:






...........





MC DUANE:




**Kung ang lahat ng ginagawa nya ay binibigyan mo ng kahulugan, konti na lang. DICTIONARY ka na!


**Pasko na naman at malamig ang simoy ng hangin, masarap sana kung mayroon kang kasintahan na kapiling at yayakapin, sabay kayong kakain sa NOCHE BUENA at MAGBUBUKAS NG MGA REGALO. Pero katulad ng dati, nag-iisa ka pa rin, pero ayos lang yan! Kung nalulungkot ka dahil hindi pa dumarating ang taong nakatadhana sa'yo, wag ka masyado malungkot, dahil kahit sya mismo hindi pa ganun kasaya... dahil wala ka pa.


**If you lend someone 1000 pesos, N' never see that person again, it was probably worth it =) 


**Kapag may NAWALA sa isang tao, anong ginagawa? "HINAHANAP". Eh paano kung hindi mahanap? "PINAPALITAN". Eh paano kung hindi mapalitan? "KINAKALIMUTAN". Eh ANO NA LAMANG ANG GAGAWIN kung yung nawala ay hindi na mahanap, di mapalitan, at hindi makalimutan? ["TATANGGAPIN". . . "HAHARAPIN". . . "KAKAYANIN".] 


**Please excuse my language, but this has to be said. 
Dear Ladies, "NOT ALL GUYS" are "ASSHOLES". 
Just because "ONE" is a "MUTHAFUCKIN' JACKASS" doesn't mean "HE" represents "ALL OF US". 
And Gentlemen. . . "NOT ALL GIRLS" are "BITCHES". 
Just because "ONE" is a "FUCKIN' WHORE" doesn't mean "SHE" represents "ALL WOMEN". 


**Isipin mo na lang, ikaw ang huling pahina ng coloring book niya. Makukulayan ka, maghintay ka lang. Pudpod na ang crayon pagdating sa'yo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo. At wala nang next page pagkatapos mo. 




BOB ONG:


**Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan. Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.


**Bago ka mag-react, isipin mo muna kung bakit biglang nagbago sa'yo ang isang tao. Kasi minsan, ikaw din mismo ang gumagawa ng bagay kung bakit sila biglaang nagbago.


**Minsan kailangan mong makalimot, para ikaw naman ang maalala.


** Ikaw, kaya ka lang din matapang ay dahil walang mawawala sa'yo! Wala ka kasing pinagpaguran. Nagpapatalsik ka lang ng laway habang ang iba ay nagpapatulo ng pawis!


**Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.


**Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.


**Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon... makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon, isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang muli... sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon...


** Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.


**Paano mo babawiin ang taong ayaw na sa'yo... mahal mo sya pero, may mahal naman siyang iba... ipagpapatuloy mo pa ba kahit nasasaktan ka na? O iiwan mo sya para lumigaya?


**Ang pag-ibig parang sugal. Minsan panalo... minsan talo. Pero ang pinakamasakit sa lahat... yung makita mong panalo ka sana, pero di ka naman tumaya.


**Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.


**Minsan, kailangang ituro ng mundo sa'yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.


**Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.


**Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila eh hindi "USO" at hindi "IN".


**Wag ka masyado mag expect. Wala kayong commitment. Pwede ka magselos, pwede ka magtampo pero hindi ka pwedeng magalit. Pwedeng makipag-date sa iba pero wag na magpapaalam. Pwede mo siyang lambingin, pwedeng yakapin at pag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede ka umiyak. Pwede ka masaktan pero hindi mo siya pwedeng sumbatan. Dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay isang "MAGULONG USAPAN".


**Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis, kung may pagkukulang sa'yo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili, sa bandang huli, ikaw din ang biktima... REBELDENG WALANG NAPATUNAYAN AT BAIT SA SARILI.


**”LITERATE” - Kaya mong magbasa ng mga kasinugalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa foreign movies, at mga vandalism sa upuan ng bus gaya ng... “Bobo ang bumasa nito!!!”

blog comments powered by Disqus 0 comments
Related Posts with Thumbnails

Credits: ( Proudly Pinoy )

Hi I'm Iisaw =) Isa + Isaw = Iisaw :))
Welcome to my Blog Site! I'm currently reading few blogs on how to build a better blog while renovating this page. But of course, you can still drop by here. Don't forget to leave your links. Btw, Exhange Link or Text Link is also welcome here.
More Details About Me?

[ Click Here ]

Statistics & Trusted Ads:

Badge Exchange:


icaptured

Text Link Exchange:


-Pinoy Empty Column-