Tired and Fed Up in your lovelife?
Madrama ba ang iyong buhay pag-ibig? Nababaliw, hindi makatulog, gising pero tulog ang utak o kaya nama’y tulog pero gising pa rin dahil siya ang nasa dreams? Naiinis kana ba sa sarili mo? Naboboring pag hindi kasama or kausap (through phone, text and chat) wala ng ibang inisip kundi ang boyfriend, crush, pangarap, irog, love, mahal, mura (lahat ng kabaduyan tawagan) ha? Yun bang kala mo siya na, kayo na happy ending? What went wrong? Ano o saan nagkulang? Saan ka nagkamali?
Mali pero ang sarap sa feeling baliw na ba ako? Pwede kaya maging possible ang mga impossible siraulo ba ko? Kailan ako makaka-move on ba’t ang tagal? Paano ba ko mag-move on saan, paano, kalian magsisimula? How could I ask for better once I get the best one for me? Why life is so unfair! I wanna die, I want him! Screams.. Cry.. Shout.. Jump, Roll, Fetch Blah blah blahahaha.. Well you’re so confused honey. Lemme help ya ‘bout that issue. Read and PLS… utang na loob Be Open minded ha? Wag matigas ulo.
So tired and Fed Up..?
May 5 stages para makamove-on:
- Denial - Kahit break na piling mo manhid ka sobra, umaasang maya-maya o bukas ng umaga ok na ulit kayo.
- Anger - Eto yung tipong maninisi ka ng ibang tao. Maghahanap ng iba dahil sa galit gustong makaganti.
- Bargaining/Buying your ex back - Tipong nagmamakaawa ka na bumalik lang siya't maging ok kayo.
- Depression - Di ka na galit pero depress ka sobrang walang energy, gana kumilos o gumawa ng kahit na ano ni matulog kinatatamaran.
- Acceptance - The final stage of grief is acceptance; you agree and accept that the relationship has ended.Eto yung time kung san malinaw na sayo lahat. Pwede mo ng isipin ng maayos kung gusto mo pa ba talaga o put the relationship behind you.
So ikaw.. bahala kana mag-identify kung anong stage kana ngayon. Subukan mong mag-isip ng maayos. Wag padalos-dalos. Magiging ok din lahat basta kalmado ka lang. Kahit mahirap makakalusot ka rin. Cool ka lang!
Ika nga nila eh ang ratio ng love eh..
1:1 One is to one, lahat tayo may sari-sariling destiny at soulmate. Wag kang mag-alala di ka naman mauubusan diba. Tsaka diba nga 'kung kayo edi kayo kung hindi edi hindi' wag mo ipagpilitan ang hindi tama. Kumalma ka lang.. dadating at dadating din yung taong hindi ka paiiyakin, papahirapan at sasaktan. Hindi na masasayang lahat ng sakripisyo at pagmamahal mo. Pero pano mangyayari yung kung ikaw mismo di mo matulungan sarili mo? Magtira ka naman kahit para sayo lang. Para pag dating ng panahon may maibibigay kapa sa taong handang umunawa at magmahal sayo ng tunay. Aiyee! Naks. :)) So ngiti na.. Magiging maayos din ang lahat.
-by: kinakausap ang sarili. <3
wow ! galing ,! hahahahahaha nakkatuwa naman,!
ou nga naman may point ka fo sana magdagdag ka fa fo . . . :)