[ BLOG HEADLINES ]


Showing posts with label kung ano ano na haha. Show all posts
Showing posts with label kung ano ano na haha. Show all posts

Ipinapakilala muli si Manang Poklitaaaa!! Ten-tenen-te-nen..!!
Wala lang. Wala kong maisip na bonggang entrada.




12:39 ng madaling araw, nang maisipan niyang mag-sulat. Dapat sana'y dalawang oras na ang nakalipas tapos na sana niya ang kanyang ginagawa pero dahil sa inis ay nagbasa na lamang siya ng kung anong mababasa sa net. Sa kabilang banda'y okay naman ang resulta ng pagkaburyo niya ng kulang-kulang o higit sa dalawang oras na iginugol niya ng pagbabasa dahil napagana niya ang "Facebook Connect".
 
Kasalukuyang oras: 12:45 am

May natanggap siyang mensahe sa kanyang cellphone lalo lang siya nanggigil. Sa kabila nito'y bumuntong hininga na lamang siya't nagpatuloy sa kanyang pagsusulat.


Masaya kagabi, sa tuwing bago ako matulog.. naaalala ko lahat ng bagay na hindi ko akalaing magagawa ko sa tanang buhay ko, nagpapasalamat ako lagi dahil dun at nagso-sorry naman kapag nagkakamali, sa mga pagkakataong hindi ako nakakapag-timpi at nawawalan ng pasensya. Kung iisipin ayos naman ang takbo ng buhay ko kahit na sabihing nag-prisinta kong huminto muna sa pag-aaral. Hindi dahil sa financial problem, lalong hindi dahil nabigo ako sa pag-ibig. (dahil hindi naman) May mga bagay lang talaga na kahit gusto mo ipaliwanag eh hindi mo magawa, 'di dahil sa nahihiya ka o naiilang ibahagi kundi sa dami ng dahilan eh hindi mo na malaman kung san magsisimula. (pwede na rin sabihin tinatamad lang ako magtype.)

12:57 am.. inaabangan nalang ang oras bago mag-ala-una.



Emo si Manang Poklita sa image. Silyado ang labi ayaw na daw kasi niya dumakdak pa. Malaki ang blade na hawak niya, hindi na pang-pulso yan.. pang-tagpas na ng leeg.. Wala na daw usap-usap. Tagpasan na!



Icaptured Articles



Icaptured Articles

Nag-iisip na naman ako, patapos na naman 'tong araw nato homaygaaad..!! Ano na naman ilalagay ko dito?? Isip.. isip.. isip...... wala talaga.

Kagabi bago matulog si manang Poklita, may nagsabi sakanyang magdownload daw ng GRANADO ESPADA. (Isang online game) Bandang 4:22am kahit singkit na ang kanyang mga mata sa antok ay nagawa pa rin niyang simulan ang download. 8:58am nang namulat ang kanyang mga mata, chineck agad ang kanyang computer kung tapos na ang dinadownload. Nirestart ang pc, wala. Hinaluglog sa control panel, wala. "Nasan na 'yun!" aniya. Nataranta muna siya bago naisip na i-click muli ang exe.setup. Ayun!! Downloading....... ulit na naman. Sa bugnot ay muli siyang bumalik sa sofa at natulog. Almost 12pm nang muli naman siyang magising. Atat na atat niyang chineck muli ang pc.. "ohh @#$%^%# 10% pa lang!?". No choice.. Nagpatugtog muna siya hindi naman siya rakista pero ang napili niyang i-play ay "Violent Kiss by Eyes Set To Kill". Nagcoffee at nagsindi ng kanyang Marlboro Lights. Hit-hit.. Buga.. Inom.. Muni-muni.. Anong iniisip niya? Ano nga ba. (Masyadong mahaba kung ikukwento ko pa) Araw-araw siyang ganun. Pagka-tapos ay maglilinis na ng kanilang bahay at magluluto. Tapos check ulit ng pc.

Testing lang. Hehe wala naman kasi akong maisip ilagay dito. Mabalik sa dapat na concept ng entry na 'to, kailangan ba talaga araw-araw gumawa ng entry? Tsaka bakit ganon sa tuwing maiisipan kong sundin yung mga nabasa ko about "Tips on Blogging" laging 'di ko maisipan kung anong gagawin kong twist sa hulian para naman may maitanong ako sa mga mambabasa. *Kung mayroon man*

(Ayon sa nabasa ko, Para maging effective na blogger ka.. Dapat ay magbigay ka ng chance sa mambabasa na maging professional din sila, magkaroon sila ng chance na sumagot at magbahagi ng kanilang emotion or ng kanilang idea. Iwasan daw dapat na ikaw lang ang mag-mukhang pro.)


Pero mahirap pala talaga. Ang hirap hirap! Kung anong kinalaman ng title sa mga sinulat ko ya nama'y.. ewan ko 'di ko na din maisip. Pero may connect naman talaga yan, nawala lang sa utak ko may gumamit kasi ng pc bago ko maituloy tong post na 'to. Wala! Ayaw na ata talaga bumalik sa isip ko.

Get paid for extra space in your website

Related Posts with Thumbnails

Credits: ( Proudly Pinoy )

Hi I'm Iisaw =) Isa + Isaw = Iisaw :))
Welcome to my Blog Site! I'm currently reading few blogs on how to build a better blog while renovating this page. But of course, you can still drop by here. Don't forget to leave your links. Btw, Exhange Link or Text Link is also welcome here.
More Details About Me?

[ Click Here ]

Statistics & Trusted Ads:

Badge Exchange:


icaptured

Text Link Exchange:


-Pinoy Empty Column-