[ BLOG HEADLINES ]


Showing posts with label love issue. Show all posts
Showing posts with label love issue. Show all posts

Ipinapakilala muli si Manang Poklitaaaa!! Ten-tenen-te-nen..!!
Wala lang. Wala kong maisip na bonggang entrada.




12:39 ng madaling araw, nang maisipan niyang mag-sulat. Dapat sana'y dalawang oras na ang nakalipas tapos na sana niya ang kanyang ginagawa pero dahil sa inis ay nagbasa na lamang siya ng kung anong mababasa sa net. Sa kabilang banda'y okay naman ang resulta ng pagkaburyo niya ng kulang-kulang o higit sa dalawang oras na iginugol niya ng pagbabasa dahil napagana niya ang "Facebook Connect".
 
Kasalukuyang oras: 12:45 am

May natanggap siyang mensahe sa kanyang cellphone lalo lang siya nanggigil. Sa kabila nito'y bumuntong hininga na lamang siya't nagpatuloy sa kanyang pagsusulat.


Masaya kagabi, sa tuwing bago ako matulog.. naaalala ko lahat ng bagay na hindi ko akalaing magagawa ko sa tanang buhay ko, nagpapasalamat ako lagi dahil dun at nagso-sorry naman kapag nagkakamali, sa mga pagkakataong hindi ako nakakapag-timpi at nawawalan ng pasensya. Kung iisipin ayos naman ang takbo ng buhay ko kahit na sabihing nag-prisinta kong huminto muna sa pag-aaral. Hindi dahil sa financial problem, lalong hindi dahil nabigo ako sa pag-ibig. (dahil hindi naman) May mga bagay lang talaga na kahit gusto mo ipaliwanag eh hindi mo magawa, 'di dahil sa nahihiya ka o naiilang ibahagi kundi sa dami ng dahilan eh hindi mo na malaman kung san magsisimula. (pwede na rin sabihin tinatamad lang ako magtype.)

12:57 am.. inaabangan nalang ang oras bago mag-ala-una.



Emo si Manang Poklita sa image. Silyado ang labi ayaw na daw kasi niya dumakdak pa. Malaki ang blade na hawak niya, hindi na pang-pulso yan.. pang-tagpas na ng leeg.. Wala na daw usap-usap. Tagpasan na!



Icaptured Articles



Icaptured Articles

Nag-iisip na naman ako, patapos na naman 'tong araw nato homaygaaad..!! Ano na naman ilalagay ko dito?? Isip.. isip.. isip...... wala talaga.

Kagabi bago matulog si manang Poklita, may nagsabi sakanyang magdownload daw ng GRANADO ESPADA. (Isang online game) Bandang 4:22am kahit singkit na ang kanyang mga mata sa antok ay nagawa pa rin niyang simulan ang download. 8:58am nang namulat ang kanyang mga mata, chineck agad ang kanyang computer kung tapos na ang dinadownload. Nirestart ang pc, wala. Hinaluglog sa control panel, wala. "Nasan na 'yun!" aniya. Nataranta muna siya bago naisip na i-click muli ang exe.setup. Ayun!! Downloading....... ulit na naman. Sa bugnot ay muli siyang bumalik sa sofa at natulog. Almost 12pm nang muli naman siyang magising. Atat na atat niyang chineck muli ang pc.. "ohh @#$%^%# 10% pa lang!?". No choice.. Nagpatugtog muna siya hindi naman siya rakista pero ang napili niyang i-play ay "Violent Kiss by Eyes Set To Kill". Nagcoffee at nagsindi ng kanyang Marlboro Lights. Hit-hit.. Buga.. Inom.. Muni-muni.. Anong iniisip niya? Ano nga ba. (Masyadong mahaba kung ikukwento ko pa) Araw-araw siyang ganun. Pagka-tapos ay maglilinis na ng kanilang bahay at magluluto. Tapos check ulit ng pc.

Testing lang. Hehe wala naman kasi akong maisip ilagay dito. Mabalik sa dapat na concept ng entry na 'to, kailangan ba talaga araw-araw gumawa ng entry? Tsaka bakit ganon sa tuwing maiisipan kong sundin yung mga nabasa ko about "Tips on Blogging" laging 'di ko maisipan kung anong gagawin kong twist sa hulian para naman may maitanong ako sa mga mambabasa. *Kung mayroon man*

(Ayon sa nabasa ko, Para maging effective na blogger ka.. Dapat ay magbigay ka ng chance sa mambabasa na maging professional din sila, magkaroon sila ng chance na sumagot at magbahagi ng kanilang emotion or ng kanilang idea. Iwasan daw dapat na ikaw lang ang mag-mukhang pro.)


Pero mahirap pala talaga. Ang hirap hirap! Kung anong kinalaman ng title sa mga sinulat ko ya nama'y.. ewan ko 'di ko na din maisip. Pero may connect naman talaga yan, nawala lang sa utak ko may gumamit kasi ng pc bago ko maituloy tong post na 'to. Wala! Ayaw na ata talaga bumalik sa isip ko.

Get paid for extra space in your website

Tired and Fed Up in your lovelife?


Madrama ba ang iyong buhay pag-ibig? Nababaliw, hindi makatulog, gising pero tulog ang utak o kaya nama’y tulog pero gising pa rin dahil siya ang nasa dreams? Naiinis kana ba sa sarili mo? Naboboring pag hindi kasama or kausap (through phone, text and chat) wala ng ibang inisip kundi ang boyfriend, crush, pangarap, irog, love, mahal, mura (lahat ng kabaduyan tawagan) ha? Yun bang kala mo siya na, kayo na happy ending? What went wrong? Ano o saan nagkulang? Saan ka nagkamali?

Mali pero ang sarap sa feeling baliw na ba ako? Pwede kaya maging possible ang mga impossible siraulo ba ko? Kailan ako makaka-move on ba’t ang tagal? Paano ba ko mag-move on saan, paano, kalian magsisimula? How could I ask for better once I get the best one for me? Why life is so unfair! I wanna die, I want him! Screams.. Cry.. Shout.. Jump, Roll, Fetch Blah blah blahahaha.. Well you’re so confused honey. Lemme help ya ‘bout that issue. Read and PLS… utang na loob Be Open minded ha? Wag matigas ulo.


So tired and Fed Up..?



Seeking ka ba sa pinaka-madaling solution? Unfortunately sweetie.. walang ganun. Walang shortcut sa love. Pag nagmadali ka dyan sasablay ka lang din naman. So kapag magmomove-on ka.. ganun din hindi dapat madaliin. Di mo madadaya sarili mo.

May 5 stages para makamove-on:

  • Denial - Kahit break na piling mo manhid ka sobra, umaasang maya-maya o bukas ng umaga ok na ulit kayo.
  • Anger - Eto yung tipong maninisi ka ng ibang tao. Maghahanap ng iba dahil sa galit gustong makaganti.
  • Bargaining/Buying your ex back - Tipong nagmamakaawa ka na bumalik lang siya't maging ok kayo.
  • Depression - Di ka na galit pero depress ka sobrang walang energy, gana kumilos o gumawa ng kahit na ano ni matulog kinatatamaran. 
  • Acceptance  - The final stage of grief is acceptance; you agree and accept that the relationship has ended.Eto yung time kung san malinaw na sayo lahat. Pwede mo ng isipin ng maayos kung gusto mo pa ba talaga o put the relationship behind you.

So ikaw.. bahala kana mag-identify kung anong stage kana ngayon. Subukan mong mag-isip ng maayos. Wag padalos-dalos. Magiging ok din lahat basta kalmado ka lang. Kahit mahirap makakalusot ka rin. Cool ka lang!

Ika nga nila eh ang ratio ng love eh..

1:1 One is to one, lahat tayo may sari-sariling destiny at soulmate. Wag kang mag-alala di ka naman mauubusan diba. Tsaka diba nga 'kung kayo edi kayo kung hindi edi hindi' wag mo ipagpilitan ang hindi tama. Kumalma ka lang.. dadating at dadating din yung taong hindi ka paiiyakin, papahirapan at sasaktan. Hindi na masasayang lahat ng sakripisyo at pagmamahal mo. Pero pano mangyayari yung kung ikaw mismo di mo matulungan sarili mo? Magtira ka naman kahit para sayo lang. Para pag dating ng panahon may maibibigay kapa sa taong handang umunawa at magmahal sayo ng tunay. Aiyee! Naks. :)) So ngiti na.. Magiging maayos din ang lahat. 





-by: kinakausap ang sarili. <3








 





Related Posts with Thumbnails

Credits: ( Proudly Pinoy )

Hi I'm Iisaw =) Isa + Isaw = Iisaw :))
Welcome to my Blog Site! I'm currently reading few blogs on how to build a better blog while renovating this page. But of course, you can still drop by here. Don't forget to leave your links. Btw, Exhange Link or Text Link is also welcome here.
More Details About Me?

[ Click Here ]

Statistics & Trusted Ads:

Badge Exchange:


icaptured

Text Link Exchange:


-Pinoy Empty Column-