[ BLOG HEADLINES ]


Ipinapakilala muli si Manang Poklitaaaa!! Ten-tenen-te-nen..!!
Wala lang. Wala kong maisip na bonggang entrada.




12:39 ng madaling araw, nang maisipan niyang mag-sulat. Dapat sana'y dalawang oras na ang nakalipas tapos na sana niya ang kanyang ginagawa pero dahil sa inis ay nagbasa na lamang siya ng kung anong mababasa sa net. Sa kabilang banda'y okay naman ang resulta ng pagkaburyo niya ng kulang-kulang o higit sa dalawang oras na iginugol niya ng pagbabasa dahil napagana niya ang "Facebook Connect".
 
Kasalukuyang oras: 12:45 am

May natanggap siyang mensahe sa kanyang cellphone lalo lang siya nanggigil. Sa kabila nito'y bumuntong hininga na lamang siya't nagpatuloy sa kanyang pagsusulat.


Masaya kagabi, sa tuwing bago ako matulog.. naaalala ko lahat ng bagay na hindi ko akalaing magagawa ko sa tanang buhay ko, nagpapasalamat ako lagi dahil dun at nagso-sorry naman kapag nagkakamali, sa mga pagkakataong hindi ako nakakapag-timpi at nawawalan ng pasensya. Kung iisipin ayos naman ang takbo ng buhay ko kahit na sabihing nag-prisinta kong huminto muna sa pag-aaral. Hindi dahil sa financial problem, lalong hindi dahil nabigo ako sa pag-ibig. (dahil hindi naman) May mga bagay lang talaga na kahit gusto mo ipaliwanag eh hindi mo magawa, 'di dahil sa nahihiya ka o naiilang ibahagi kundi sa dami ng dahilan eh hindi mo na malaman kung san magsisimula. (pwede na rin sabihin tinatamad lang ako magtype.)

12:57 am.. inaabangan nalang ang oras bago mag-ala-una.



Emo si Manang Poklita sa image. Silyado ang labi ayaw na daw kasi niya dumakdak pa. Malaki ang blade na hawak niya, hindi na pang-pulso yan.. pang-tagpas na ng leeg.. Wala na daw usap-usap. Tagpasan na!



Icaptured Articles

blog comments powered by Disqus 0 comments
Related Posts with Thumbnails

Credits: ( Proudly Pinoy )

Hi I'm Iisaw =) Isa + Isaw = Iisaw :))
Welcome to my Blog Site! I'm currently reading few blogs on how to build a better blog while renovating this page. But of course, you can still drop by here. Don't forget to leave your links. Btw, Exhange Link or Text Link is also welcome here.
More Details About Me?

[ Click Here ]

Statistics & Trusted Ads:

Badge Exchange:


icaptured

Text Link Exchange:


-Pinoy Empty Column-