Sa sobrang dami ng information na pwedeng ishare sa blog nato nakakapagtaka talaga kung bakit 'di ko pa rin magawang sumulat ng sandamukal na blog entry tulad ng iba. *sigh* Sa tuwing bibisita ako sa ibang blog nalulula talaga ako sa contents, natataranta kung ano ba sa mga entry ang uunahin ko. *rofl*
Tulad nila, isa ako sa mga nagbabasa ng mga tips about blogging, on how to customize my own blog appearance, how to place advertisements, etc. blah blah blah.
Madali din ako bumilib sa kapwa ko bloggers, mapa-English or purely Tagalog man ang gamit.
Kanina ko lang din naisip kung anong gagamitin kong language.
Sawakas, nagkaroon din ng linaw 'tong utak ko. *lmao*
Dahil sa hindi naman ako fluent sa English at lalo namang hindi rin ako
mala makata sa pag-gamit ng sariling linguwahe napagisip-isip ko na...
bakit nga ba hindi ko nalang gamitin ang Taglish??
Tutal nakakapagod din naman isearch lage sa google at yahoo search bar yung mga words or terms
na hindi naman talaga pamilyar saking mata, *Hehe* although dapat naman talaga'y
sanayin ko sarili ko sa pag-gamit ng English language dahil kailangan naman talaga 'to sa buhay.
Kanina nung naligaw ako sa Pinoy Bloggers naisip ko rin tuloy na
dapat din pala sanayin ko sarili ko sa pag-gamit ng sariling linguwahe.
Na-realize ko na okay lang naman na Taglish ang gamitin, basta ba malinaw,
nababasa at hindi parang nakikipag-text lang ako kapag gumagawa ng entry. :)
Hindi naman kasi ako writer, tamad naman talaga ako kahit magbasa lang.
'Di ko na matandaan kung ba't ko ba naisipan mag-blog. *rofl*
Salamat sa mga Blog na nababasa ko hanggang ngayon. Atleast kahit paano natututo ako.
Buti nalang nakakabasa ako. *Lol*
antaray naman ng comment box.. may pop-up..thanks for visiting my blog.
in time magkakaron ka din ng idea kung ano ang isusulat...
yung blog ko nga nung july 2008 pa. pero nagkaroon lang ng maayos na laman noong feb 2009 na.
keep blogging