9:43pm
He: skype?
He: or d2?
She: jan kna??
He: nsa puso mo parin
She: lol
She: mea mea na tau skype hihiga knaba?
He: nka higa nko
He: lol
She: i mean antok knb?
He: yeah
He: gisingin mo nlng ako ha
He: oke
She: hoy!
She: hinde!
She: hindi kna mggising ee!
He: buzz mo lng
She: sure ka?!
He: ou
She: bka mtanggal sa tenga mu headset mo aah.. =,=
--------
Aiyee. Ganyan lagi si He.. Wala daw tulugan pero nakapikit na yan..
tapos unti-unting lalakas yung hilik. ((: Knock out!
Killing Spree pa lang si She kung magbibilangan pagdating sa tulugan.
Pero kahit ganun lab na lab ni She yan. Sa ngayon malayo sila sa isa't isa eh..
Nasa ibang bansa si He habang nasa pinas naman si She. Long Distance Relationship?
Dami ngang kontra bidang taas kilay sa ganyang setup. Pati ako ganyan tingin ko dati..
Pero dati yun iba na rin ngayon. Di ko na didiscuss pang-pabaha lang eh. Heho!
Kamuntikan na masira yang dalawang yan.
Pero kahit naging masakit sakanila pareho eh swabe pa rin.
Sinuwerte lang ata kaya hanggang ngayon humihingi pa.
Medyo ilang buwan pa bago makauwi si He.. November.
Kahit natatakot si She sabi niya saken maghihintay daw siya, ilang sabado nalang daw yun.
Pati ako napabilang na rin. Oh nga naman ilang sabado nalang. ( TAGAL )
Matigas daw ulo ni He, pinagsasabihan ni She yan pero tuloy tuloy pa rin.
Sabi ni He sumusunod naman daw siya at susunod pa rin kahit anong utos ni She.
Barbero nga daw kwento saken ni She. Minsan lang daw sumunod yan.
Pero kahit ganun naiintindihan naman nitong si She. Konsintidora din eh.
Setup nila? Skype.. YM.. YM.. Skype.
Parehong masakit tenga pagkagising, pano natulog silang magkausap.
Ganyang sila lagi kapag walang pasok si He.
Summer kasi kaya nasa bahay lang si She.
Si He naman iba setup ng school year sakanila
November pa bakasyon nila kaya makakauwi daw siya.
She: BUZZ!!!
He: ...
..itutuloy. :)
Post a Comment