[ BLOG HEADLINES ]


Ep. 2 Random: Her confession :)

Posted by iisaw =) | Tuesday, April 27, 2010

Si She, mabait daw yan kahit parang hindi naman. Mukhang suplada't mataray pero kahit daw ganun nagpapasalamat pa rin siya dahil nga walang magtatangkang mang-api sakanya or mag-3p sa daan kahit san mapa-babae ilag sakanya. Kontra-bidang bida nga daw siya. ( Inagawan pa ko ng linya ) 

Si She, masaya yan dahil kay He. Halos di na lumalabas ng bahay yan dahil araw-araw iniintay si He galing school o ng work. Pero sabi niya sakin binabantayan nga daw niya pati YM tsaka FB baka daw may chumamba. Loka-loka nga..

Si She, ilang beses na umiyak yan dahil daw kay He. Ewan ko ba, emo ata tong babaeng to. Sabi niya nagiging sensitive nga daw siya masyado. Pinayuhan ko nga, sabi ko hindi dapat ganun. Dapat magtiwala siya at wag masyadong cry baby. Dahil hindi bagay. Si He naman daw kasi ang hirap unawain nung una. So tinanong ko si She kung ba't di nalang siya maghanap ng iba yung nandito sa pinas para malapit. Hindi siya mahihirapan kakaintindi siya pa mismo iintindihin edi walang stress diba. Pero sabi niya hindi daw pwedeng ganun. Love na love nga daw kasi niya si He. Halos dumugo ilong ko sa kakornihan ni She.. 


Si She, sabi niya hindi nga daw madali yung setup nila ni He pero hindi rin naman daw mahirap.
Parang nagets ko nga pero parang hindi rin kaya pina-explain ko sakanya. Nagpaliwanag naman kagad siya.. 
"Ayun nga, araw-araw kami magkausap. Di nauubusan ng way para makaconnect sa isa't isa. Open sa lahat ng bagay. Ganun lang. Mahirap kung gagawin kumplekado yung sitwasyon."
Napa-iling nalang ako kasi 7months pa bago makauwi si He. Ayoko naman kumontra pero sinabi kong maraming pwedeng mangyari.
Natawa ko sa sinagot niya sakin. "Isa kapa eh! Wag kanang kumontra.. Para-paraan lang yan. Kahit magpasukan pa kaya ko gumawa ng way.. Hindi ako malulungkot.. Dapat hindi ako ma-depressed para maging maayos lahat.. Ako pa,"
Ewan ko sakanya hindi nalang ako kumontra. Hehek!






"Maghihintay ako. Araw-araw.. maghihintay lang ako..hanggang sa makauwi na siya.." 
-She



blog comments powered by Disqus 1 comments
  1. kikilabotz April 28, 2010 at 10:35 AM  

    uhmmm sad stories b to o happy stories? :D

Related Posts with Thumbnails

Credits: ( Proudly Pinoy )

Hi I'm Iisaw =) Isa + Isaw = Iisaw :))
Welcome to my Blog Site! I'm currently reading few blogs on how to build a better blog while renovating this page. But of course, you can still drop by here. Don't forget to leave your links. Btw, Exhange Link or Text Link is also welcome here.
More Details About Me?

[ Click Here ]

Statistics & Trusted Ads:

Badge Exchange:


icaptured

Text Link Exchange:


-Pinoy Empty Column-